
Hi, guys! It’s been a long time! Char! Haha. Since graduate na ako, hindi na ako matatakot ilabas lahat ng mga saloobin ko. Hindi na ako nahihiya! Hahaha! Okay. So, heto na nga. Kaya Can I have this dance angtitle ng blog kong ito dahil, wala. Wala lang! Hahaha! Naisipan ko lang gawing title ‘to kasi tuwing napapakinggan ko ‘tong kantang ‘to, nakakaramdam ako ng pighati at lungkot na parang gusto kong umiyak. At umiiyak talaga ako! Ewan ko ba! Kasi naaalala ko ‘yung naganap nu’ng Graduation Ball namin. Hihi! Char!
Kasi nga ‘di ba Graduation Ball ‘yun, so siyempre hindi mawawala ‘yung sayawan portion! ‘Yung tipong “Sayaw tayo”, alam niyo ‘yun? Siyempre matik na ‘yun, alone na naman ako. Wahaha! So ako naman kunwari busy, walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid ko. Tingin tingin sa pictures sa SLR ng kaklase ko para kunwari busy si wata. So ‘yun nga, busy busihan. Nagulat ako nu’ng biglang lumapit si BG sa ‘kin.
Ako: Ano ba ‘yun?!
BG: Isasayaw kita! (hindi ko sure kung ‘yan ‘yung sinabi niya!) LOL
Ako: Ano ba ‘yan! (Wala ng masabi!) (hindi ko alam kung anong gagawin ko! Nahihiya ako!)
I was like fuck! So siyempre hindi ko na palalagpasi nitong pagkakataon kong ito. Nu’ng JS Prom namin dati, he asked me to dance pero hindi ako pumayag kasi masyado pa akong mahiyain nu’n. Ngayon, gora na! Last night na ‘to! Haha!
Habang sumasayaw kami, feeling ko babae ako! Promise, ‘Te! Haha! Bigla siyang may itinuro sa likuran ko. So ako naman lumingon ako para tignan ‘yung tinuro niya! Suddenly, he kissed me! Sa pisngi! Oh my gossssssh! Parang biglang tumigil ‘yung mundo ko nu’n. Waaaaah! ‘Di ko alam kung anong gagawin ko! Hahaha! Tapos ‘yun nga. Natapos na ‘yung “enchanting moment” na ‘yun.
After ng grad ball nami’n, pumunta kami sa Candy Shop: Superclub. First time ko ‘yun. Hahaha! Kasama pa din siya du’n. Tinanong ko siya du’n kung bakit niya ako kinissan niya ako sa pisngi. ‘Yun daw ‘yung gift niya para sa graduation. Ako naman, bakit ‘yun lang?! Charought! Pero seriously, masaya na ako du’n. Sobra. Actually ‘yun ‘yung most memorable na pangyayari nu’ng gabing ‘yun. Seriously! :)
So ayu’n nga. :)
Kilala niyo ba ‘yugn tinutukoy kong BG dito? Kung hindi, siya ‘yung matagal ko ng minamahal na lalaki. Simula pa nu’ng 1st year! Oo, tama. First year pa! ganu’n ako katagal na nagpapakatanga. Charought! Una, crush lang, nadevelop, Ayu’n, naging love. Buwisit na love! Hahah! Ewan ko ba kung bakit dumating pa ‘yan sa buhay ko e! Hahaha! Naalala ko pa, ayaw ko siyang pag offline-in kapag nagkakachat kami. ‘Yung tipong “mamaya ka na mag sign out!”. Oo, promise! Ganu’n ako kagwapung gwapo sa picture niya dati sa YM! Haha. Ayoko na dabihin ‘yung totoo niyang pangalan! Bahala na kayo magsearch. Bahal na kayong humanap ng mga jeep nila na dumadaan sa sa Project 8 at Munoz. ‘Yun lang ang alam ko! Hahaha! Basta BEEGIE! =)
Kahit na ganito ‘yung sitwasyon ko, hindi ako nagagalit. Wala akong magagawa e, ginawa akong bakla ng Diyos. Hindi ako mamahalin ng lalaking mahal ko. Ya, tanggap ko na. Matagal na! Tanggap ko nang iba talaga magbigay ng twist si Bro sa buhay ng mga nilalang niya! ‘Di ba? Hindi ako humihingi ng kapalit sa kabila ng pagpapakatanga ko kay BG. Promise! Alam ko na! Haha! Basta ako I’m happy for him, for both of them! Haha! I love youuu! And I will always! :*
‘Yun lang. Salamat sa pagbabasa! Mwaaaah! :*
#Shandybellsako